Lyrics

Napakaiba ng aking damdamin
Tila umuulan, ako'y giniginaw
Napapansin mo ba sa 'ting paligid ligid
Panahong ikaw ay mamangha

Una pa lang, unang pagkikita lang
Umaawit ang puso ko, tumitibok, kumikibo
Hindi humihinto, di mahinto
Bakit?

Wala ka bang masisilungan
Sa puso ko, manirahan ka, ligtas ka rito

Unti unti at makikita mo
Makisilong ka, at hanggang sa huling pagbuhos
Kahit magkasakit, hindi na dapat na ako'y pumalag
Haharapin ko ang pagsubok, mula ngayon

Walang kibo, wala mang pahiwatig
Kapalarang kay bilis lumilihis

Tuwing iniisip ko ang kinabukasan
Tibok ng puso ko'y sabik na sabik

Mahirap ba? Mahirap bang mag-isa?
Akap kong mahigpit, palapit ng palapit
Saan man lilibuting daigdig, kaya!

Dalian mo,
huwag munang lilingon
Di ko matatanggap
Na mananatiling ika'y pangarap

Ang buhay ko
Hindi mabubusog
Hangga't ikaw
At ako'y magiging magkasuyo

Nais kong marinig
Na ito'y galing sa 'yong bibig
Pag ibig kong hinihiling
Ay Iyo lamang

Wala ka bang masisilungan
Sa puso ko, manirahan ka, ligtas ka rito
Unti unti at makikita mo
Makisilong ka, at hanggang sa huling pagbuhos

Kahit magkasakit, hindi na dapat na ako'y pumalag
Haharapin ko ang pagsubok, mula ngayon

« Back to Halation Celebration ~ 10th Anniversary Tribute to Snow halation Huling Pagbuhos
Arrangement: Vermeen